|
You're currently reading
Record of meeting held on 24-25 December 1895
Table of Contents
![]() Bookshelf
Sign in to Filipiniana.NET to keep track of your favorite articles through bookmarks!
|
Isinulat ni Julius Cesar I. Trajano; Inedit ni Sally Eugenio
Written by Julius Cesar I. Trajano; Edited by Kristina Joy Panogot Original Tagalog Text K . K . K. N. M. A. N. B. Kataastaasang Kapisanan (a) Sa ngalan ng Bayang tinubuan, at sa lalung ikalalaki ng lakas at kaayusang taglay ng K.K.K.N.M.A.N.B. (=Katipunan), ay gumawa ang K.K. ng isang pagpupulong sa ikadalawang puo’t apat na araw ng umiiral na buan ng Diciembre sa bahay ng kap. na Maypagasa (=Andres Bonifacio). (b) Dito’y nagsidalo ang mga kap. na Maypagasa, Pinkian (=Emilio Jacinto), Maniangat, p., t. at ty. ng K.S.; ang mga kap. na Silanganan, Talibong, p. at t. ng S.B. Dapitan; ang kap. na Matapang p. ng By. “Silanganan”; ang mga kap. na Paku, Tambuli, p. at kal. ng By. “Alapaap”; ang mga kap. na Magiliw, Dupil at Tawas, kal., t. at ty. ng By. “Makabuhay”; ang kap. na Ilagan, p. ng By. “Mahiganti”; ang kap. na Matulin, p. ng By. “Maluningning”; ang kap. na Halimaw, p. ng S.B. “Katagalugan”; ang kap. na Labong, p. ng By. “Kabuhayan”; ang kap. na Magiliwin, p. ng By. “Dalisayan”; ang kap. na Bulalakaw, p. ng B. “Dimasalang”; ang kap. na Mataas, t. ng By. “Tanglaw”; at ang mga kap. na Dimasayaran (=Pio Valenzuela), Silang, Dimalitiwan, Lintik (H.V [?]), Subiang, Kapit at iba pang mga kapisan ng By. “Makabuhay”. (c) Sa ikasampung daguk ng bakal sa tansu ng gabi ay binuksan ang kagalangalang na Karurukan, at tuloy binasa ng k.t. na siyang lumagay na kal., ang pinagsulatan ng katatapus na ginawang pagpupulong ng ikatlong puo ng Noviembre ng nagtatapus na taun, at sa ipinahayag na pagayun ng lahat sa mga nalalaman sa pinagsulatang ito, tinalaan ng k.p. at ng k.t. at saka tinatakan, alinsunod sa nararapat na kaayusan. (d) Bago ituloy ang mga gawang doo’y gaganapin at paguusapan, pinagkaisahang maghalal ng mga k. na hali-haliling tumaliba sa bawa’t isang daguk ng bakal sa tansu, sa habang pagpupulong. Sa pagkaringig nito ng mga k. sa By. “Makabuhay”, sila’y kusang naghandog ng kanilang paglilinkod sa ikatutupad ng katungkulang tumaliba, na minarapat naman ng lahat, at pinasamahan sa tuing maghahalili ng isang k. Maynila, sapagka’t siyang nakakikilala sa magsisidating. (e) Ang kap. na Matulin ay nangusap at tumugon sa pasabing iniatas ng K.K. sa By. “Maluningning”, tungkol sa kapaubayaang dito’y namasdan, at sinabing kung kaya ang By. na ito ay hindi gumamit ng malaung panahun ng pagsisikap na kinakailangan, ay dahil: - Una: Sa lubhang mapanganib na kalagayan ng bahay na kanilang pinagpupulungan, na siyang Nlltqlldqllsñn Fqllqrnj [Intendencia General]. Ika-2o Sa pagwi sa kaniyang bayan ng ty. at ng p. na nagasawa sa Batangan: - Ika 3o Sa karamihang tutoo ng mga ginagawa ng p., at dahil sa nagagalit ang kaniyang asawa kung siya’y magpapanaog sa bahay. Tuloy pangakong gagamit na ng masikap na pagtupad ng kaniyang mga katungkulan, at ng kaniyang mga kabalangay. Dahil dito’y tinangap ng kapulungan ang mga ipinagrabing dahilan ng kap. na Matulin. (f) Ipinagsanguni ng kap. na Pingkian ang mga kapansanang nakakapigil sa K.S. na magpadala, alinsunod sa iniatas ng K.K. sa sinundang pulong, ng isang kasulatan sa ilang mga k. ng mga pulutong, at tuloy na ipinalagay na sapagkat hindi mangyayaring matalastas agad kung sino ang mga k. dapat padalhan, ay gumawa na lamang ang K.S. ng isang pahayag sa buong Kat., na magpaalala ng mga gawad na sumpa at makapagpabangun sa mga kalobang nahihimbing sa di pagdadamdam; at tuloy na ipagsabi na ang mga pulutong at mga k. na sa ngayo’y hindi kumikilos, sa loob ng labing limang araw buhat sa pagdating ng pahayag sa kanilang kamay, ay gagawa ng pulong at magpapasabi sa K.S. ang araw na ito’y dadaluhan, kung pulutong ang siyang nagbabalik loob, at kung k. lamang, ito’y haharap sa mga pinuno ng K.S. sa loob ng araw na taning. Ang K.S. ay magpapadalo ng isa, dalawa or lahat ng kaniyang mga pinuno sa pulong ng mga pulutong na nagnanasa ng kaayusan, at sa pulong na ito sisiyasatin ang lahat ng mga k. na dito’y napipisan, at hatulan ang balang masama at sila’y bigian ng nararapat na parusa. (g) Pinagkaisahan na ang mga kpung wala pang larawan ay magpapakuha sa loob ng tatlong buan, at ipadadala sa K.S. (h) Ipinahayag ng k.p. ang pagkakailangang maghalal ng mga bagong mapipisang lalagay sa K.S., sapagkat pagtatapus na ang taung kapanahunan ng mga dati. Bago simulaan ang paghahalal ay pinagkayarian muna na sukat na ang K.K. na maykapangyarihang gumawa nito, at hindi katulad ng ginawa sa sinundang pagkahalal, sapagkat kung ang K.K. ay may kapangyarihang makapagpairal ng anomang kautusan, ay lalu’t higit na dapat magkaroon, sa pagpili ng magpapatupad ng mga kautusang ito. Sa bagay na ito ay ginawa ang paghahalal at lumabas na p. ang kap. na Maypagasa, kal. ang kap. na Pingkian, t. ang kap. na Dimasayaran, ty. ang kap. na Maniangat, at sa anim na kasanguni ay lumabas ang mga kap. na Tagaisok, Silang, Bulalakaw, Talibong, Silanganan at Subiang. (i) Ipinakita ng k.p. sa kapulungan ang lalagian ng mga larawan ng mga taksil, at ang pagkahahanay nila, na minabuti at pinayagan ng kalahatan. (j) Ipinamanhik ng kap. na Pinkian na mangyaring mabalik ang k. itiniwalag na nagpapamagat ng Burgos, sapagkat: una: bago pa matalastas na siya’y natitiwalag ay nagpakita na ng matinding pagsusumikap, at ito’y hindi kumupas kahit niya naalaman; ikalawa: ang mga salitang nabitiwang minsan tungkol sa paghilig kun di man ayun, sa mga ipinamamarali ng mga taksil, ay walang ibang pinagbuhatan kun di ang pagkabatang loob na tutoong tungo sa mga pagkabibigla; ikatlo: tunay na nagpapakumbaba at nagpapakita ng malaking pagsisisi. Sa maringig ito ng lahat ay umayon sa kahilingan ng kap. na Pinkian at pinatawad na pinayagang mabalik ang kap. na Burgos ng wala nang tatlong buang subok at wala ding bayad sa pagkabalik. (k) Ipinagbigay alam ng kap. na Maypagasa ang mga palaging sinasabi sa kaniya ng k. Tiktik, na wari’y nagiibig magsikap sa Kat., at tuloy ipinagsanguni sa lahat ang nararapat sa k. ito. Sapagkat ang hanap ng lahat ay ang gawa at ang k. Tiktik ay di nakikitaan ng gabahit mang gawa, siya’y hindi minarapat na mabalik, at ang pagkatiwalag niya’y ginawa nang patuluyan. (l) Ipinakilala ng k.p. ang mga sumbong na sa kaniya’y dumating tungkol sa mga pagkukulang ng k. Kalapati na pinanganlang kaululan ang mga gawa ng Kat. at dito daw ay walang nangyayari kun di paua’y na nakawan. Dahil dito’y pinagkayariang ilayu siya muna at tuloy pagusigin ang katutuhanan ng mga sumbong na ito. (m) Pinagkaisahan din na ang mga limbag na niyari na, ay ipagbibili ang pahayag sa mga may nasang makisanib apat na kualta; ang pinagsulatan ng panunumpa sa pagpasuk, ang pinagsulatan ng pangangaku at ang tanungan sa silid sa panilayan, isang kualta ang isa; at ang talaan ng mga kabagayang taglay ng hinikayat at na nagnanasang makisanib, dalawa ang isang kualta. (n) Pinagusapan ang kaayusang nararapat umiral tunkol sa salapi, at kapagkatapus ng isang masiyasat na paglilining ay pinagkaisahan muna na magkakaroon ng dalawang pagkaiba ng salaping natitipon: isa, ang salaping natitipon tunay at iisang pisan na ari ng buong Kat.; at magkakaroon din ng salaping natitipon tangi na ari na bawa’t isang pulutong mula sa K.S. hangang sa kahuli-hulihang Hkan. (o) Dahil dito’y naalalang pagkaisahan din ang paggawad ng Katibayan sa mga k. Ito’y dalawa katibayang ak. at katibayang kaw., na hindi igagawad kung ang paggagawaran ay hindi mapatunayang nakabayad na, ng ukol sa pagkapasuk o pagkataas. (p) Muling pinagusapan ang nauukol sa salapi, at pinagkayariang ipaunawang paghininging ng anim na inihalal sa sinundang pulong sa pagsisiyasat ng Patnugutan, ang palagay ng kap. na Pingkian na itong sumusunod: Ang pagbubuhatan ng salaping ukol sa buong Kat. ay ang mga kabayaran sa pagpasuk, sa pagangat, sa mga katunayan at sa pagkabalik ng mga tiwalag. Ang salapi ng bawa’t pulutong ay ganito: Ang Hkan. sa kabuoan ng mga kabayaran sa buan buan ng kaniyang mga kapisan ay ipadadala ang ikatlong bahagi sa By. na sa kaniya’y nakasasakup, ang kabuan ng mga kabayaran sa buan buan ng mga k. ng By. kasama ang padala ng Hkan., ay pagtatatluhing bahagi, at ang ikatlo ay ipadadala sa S.B. sumasakup, gayon din ang S.B ukul sa S.H na sa kaniya’y nakasasakup; gayon din ang S.H. ukol sa K.S., datapua’t ito’y may limang piso pa sa balang isang dan ng salapi ng buong Kat. (q) Sa lubhang kalaman na nitong pagpupulong ay inilibot ang supot ng saklolo, at ang isinalin nito ay kulang dalawang kualta sa piso. Pinagkaisahang iambag ang salaping ito, sa kap. na namatayan ng anak sa By. “Mahiganti”. (r) Niwakasan itong pagpupulong sa ika pitong daguk ng bakal sa tansu ng umaga, pagkasumpa ng lahat na di isiniwalat ang lahat na namasdan at napakingan. (s) Maynila, ikadalawangpuo’t lima ng Diciembre ng taung 1895. Ang k.p. Vzypzgzsz (=Andres Bonifacio) Lumagay na kal. Ang k.t. Pñllkñzll (=Emilio Jacinto) *FN This document was transcribed by Jim Richardson in Katipunan: Documents and studies website (http://kasaysayan-kkk.info/).
Rate it:
Show/hide comments
![]() |
Content licensed under Creative Commons by-nc-sa-3.0 Philippines
Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 Philippines
