Ronquillo, Carlos. “VIII” Chap. 8 in
Hiwaga ng Puso
. Manila: Imprenta Cultura Filipinas, 1913. Pp. 58-65.
Si Pedring ay nagmatigas. Ni hindi na sumipot, ni sumulat man lamang.
Sanhi sa ginawa niyang yaon sa akin ay gaanong hirap ang aking tiniis! Ang Dios na sinasabing sumasalahat nang dako, ang Dios na sinasabing nakatatalos hanggang sa kalihimlihimg tibok ng puso ng tao, ay siya makapagpapatotoo – kung nakapagsasalita nga lamang – sa dilang dalita't sakit na tinamo ko noon. Bakit kaya gayon ang nagyari sa akin? . . .. .
Makailang tinangka kong sadyain na siya sa kanilang bahay, upang makita lamang; makailang hinawakan ko na ang panulat upang ilahad boo kong damdamin; makailang naikintal ko na sa papel ang
Pedring, oo, oo, oo.... iniibig kita, at parini kang madali!
; ngunit ang likas kong kataasan nga yata, ang pagkasuway niya sa utos ko, ang katutubong pagkaumid ng gaya kong babaing pilipina hinggil sa mga gangganyang pagtatapat, ay siyang nagtulongtulong na nag-udyok sa akin upang magmatigas din.
At may mga sandaling tinangka ko pa tuloy ang paglimot na sa kanya, Ang tangka ko'y