Ronquillo, Carlos. “VII” Chap. 7 in
Hiwaga ng Puso
. Manila: Imprenta Cultura Filipinas, 1913. Pp. 51-57.
Sa Maalat, sa bahay ng kaibigan ng Mestra, na kinatirhan ko, ay doon ginitawan ang aking puso ng isang damdaming magpahangga noo'y di ko pa kilala.
Sa bisa ng damdamin yaon ay naging kulay lungtian ang tingin ko sa panganorin; ang mga bulaklak ay pawang naging sariwa; ang hangin ay naging mabisa pangbuhay; ang araw at buwan, ang mga tala at bituin, ay nangaging paraluman ng aking puso, ng aking kaluluwa.
Ang matabang sa pasimula, nguni't tumamis nang tumamis na pag-uulayaw naman sa tuwi-tuwi na ni Pedring, at ang mga lihim nitong ibang-iba kay sa nangatanggap kong una sa amin: mga liham na walang pagkukunwari, salat sa mga papuri, walang mga talinghaga, salat sa mabulaklak ma pangungusap, wala ni isa mang
Febo
, ni
Venus
, ni
Adonis
, ni ng kung ano ano pang pamagat na totoong nakayayamot sa akin gaya ng
tala at bituin
, ng
diosang marilag ng dueñang maluninging
, ng
kariktang hulog ng langit
, ng
sala ng mga mata ko
, ng
ikaw lamang