Ronquillo, Carlos. “IV” Chap. 4 in
Hiwaga ng Puso
. Manila: Imprenta Cultura Filipinas, 1913. Pp. 29-37.
Di nga nagluwat at ang aking loob ay nanauli na naman sa kapanatagan. Nanariwang panibago ang aking puso at handa na naman ng pagtanggap sa lalong kaayaayang damdamin.
Sa bahay ng giliw kong Mestra ay walang nagkukulang sa akin. Ako'y hindi humihingi: hindi ako makahingi. Nahihiya ako. Nguni't ang Mestra ay siyang nagkukusa.
Pinaramtan ako. Ang dati kong mga saplot ay di na ipinasuut sa akin. Ipinamili ako ng mga babarahin ng sinamay Indang, ng Kalamianes, ng nipes, ng makato, ng Kalibo, ng sinaba, ng rengge at pati pinya; ipinamili ng kamison na noo'y di pa totoong palasak; ibiniling isang kotsong itim na noon lamang unang natikman ng paa ko: ipinag-adhika ng sarisaring saya at tapis at mga panyo, at pati hikaw na tumbagang kinamatsile at gintong
de pelo
saka kuwintas na tamborin at kalmeng may tahing ginto. Ano pa ang nanasain ko at hihingin?
Sa pagkain ay sagana. Hindi nawawalan ng