--Hindi nga; nguni't sa pamamag-itan ng pagtutulong tulong at pagsasamasama ng maraming salapi, ang ikapagyayari ng alin mang binabalak; at hindi sa politica lamang ang ating marurunong: sapagkat kung pawang ganito, ano ang itutugon ng may kapangyarihang sumasakop sa atin? politka ring paris ng namamalas natin at naririnig sa kanila; at sabisabihin pang, wala tayong kaya sa Pagsaasrili: Mangyari, walang mapapaniwalang dapat tayong makabuhay, ng sariling Pamahalaan, sapagka't nakatago at inaamag sa taguan, ang salapi ng ating mayayaman kahabaghabag itong Pilipinas, kung hindi magpapauna sa lahat ng kinakailangan ang ating may mga salapi at lalong kahabaghabag ang nagsisunod sa atin, kung magpahangga ngayo'y sa mga pista lamang inuubos ang unti unti nating natitipon! at lalong hindi tayo makararating sa ating minimithi, kung hindi tayo magbabagong kilos!......