--At ano pa nga naman?--ang saklaw ng ina—sukat ang narito kayong magkakaibigan sa kaarawan ng kanyang panaog, ay mabuti na.
--Magiging kaawa awa po naman ako, kung ako'y magpapabaya; ano kaya Nene – ang ibiniro pa mandin sa kanya husto na kaya ang isang bigkis ng tabako?...
--Kahit wala'y mahuhusto na rin.
--Ang iya—alaala mo pala Matias—ang sambot uli ni impong Dolores—nalalaman mo na ba kung alin ang lalong mabuti?...
--Hoy! ang saragatengito ah – ang pabiglang patlang ni Nene.
--At masama ba ang aking sinabi?...
--Huwag ka ngang manukso.
--Adilos, at panunukso raw tia Loleng ang akin.
--Lubayan mo na nga't baka pa siya'y umiyak.
--E siy hindi na Eling; ako nga'y magpaalam a tuloy, at baka ang dulo'y magka-iyakan pa nga tayo; paalam na po tia Loleng—tuloy nagtindig.
--Opo, at tila malalin na ang gabi; paalam na Eling—ang baling sa kanya at sila'y nagkamay – ngunit ang ang uulitin ko — ang idinugtong, na hindi binitawan hanggang sa natapos—at nagkamali pala ako ng pagsasalita—ang sinabi pa; pagka't magtagal ang pakakamay nilang iyon – hindi ko pa pala sinasabi ang uulitin ko; ngayon ko lamang pala mababanggit; na, ngayon pa Eling, ay ipinagpapauna ko na sa inyo ng kaibigan kong Manuel, ang aking maligayang bati, at gayon ang pagnanasang, kung makasakal na kayo'y magkasundo nga naman sana kayo, hanggang sa inyong kamatayan.
--Maraming salamat sa iyo. At nagpapaalam pang muli sa matanda, bago nagpatuloy na nanaog.