siya'y napawaglit lamang sa mga magulang, kung kaya napatira sa atin; ang kanyang ina'y lahi rin namang ginoo, na inabot lamang ng paghihirap; at sinong makapagsasabing, hindi natin sasapitin, ang magkagayon, kung tayo'y masasawi? At aanhin mong magkaasawa ng mayaman ang anak mo, -kung bukas makalawa'y aalipinin siya ng salapi, ng kanyang magiging asawa? At alin pang karangalan, ang hahanaopin mo sa ina ng batang iyon, na kahi't inabot ng paghihikahos, ay walang sinakit, kundi ang mapapag-aral ang kanyang anak? Iya'y sukat ng magpakilala sa atin, na siya'y hindi liping alila; ang talagang alila'y wala ng gaya ng pag iisip ni matandang Loleng; sa mga taong ganoo'y sukat ang pakanin ng labi, ng kanilang panginoon, at husto na sa kanila; at atngi sa roon, si Elisa'y nakilala kong batang napakabait, marunong makipagkapuwa tao, at dahil dito'y malaking totoo ang panghihinayang ko sa kanya.
At mga iba pang pagpapaliwanag ni G. Ricardo, na tinutula't tinututulan din ng kanyang kapatid; ngunit ng malao'y napahinuhod din, bagama't pilit na pilit sa kanyang loob, at sa katapusa'y ang isinagot ng lalaki:
-- Kung mabuti—ang wika – di ikaw na ang bahala bayaw; sigurong hindi mo naman tutulutang magkagayon ang pamangkin mo; kung alin anga magaling siya ang ating ipatuloy.
At ng huling Sabado nga, ng
Pusong walang Pag-ibig, ay sila na ring magbayaw, ang nagpautos, o namanhik sa ina ni Nene.