at baka ang dulo'y ano ano'y nababalitaan na lamang nating kasama na rin ng babaeng iyon, at pagdaka'y pasakal sa kahit kangino riyang... naku! totoong mamamatay ako, kapag iyon ang ginawa sa akin.
-Nguni't saan nila paparoonin kaya?...
-Sa pasig; kina Paskual, na kapatid mo, wala ng mabuti kungdi doon; at kung doo'y inaakala kong mawiwili siya, pagka't may anak na dalaga't mga bagong taong kanyang makakalaguyo.
-Doon nga pala ang lalong magaling; nguni't maalaala ko, si Adyong papaano sa aming kausap? baka ang mabuti alamin ko muna.
-At kung maguusisa sa akin, bakit siya lalong mahigpit ang pagkakagusto, paano?...
-Bahala na; sabihin nating lumayas ang batabg iyan, ng hindi man nagpaalam sa atin, ano pa?
-Kung ganoo'y ikaw na nga ang bahala.
-Oo, bayaan mo, at ako ang magsasabi.
At noon ding mga sandaling iyo'y niwakasan ang pinagkasunduang ito, na bukas din o makalawa'y payaonin sa Pasig, ang kanilang anak, upang magtirang mga ilang linggo o buan, sa kanyang amain at mga pininsan.