Abad, Antonio. āIā Chap. 1 in
Bakas ng Himagsikan
. Maynila: Limbagang Magiting ni Honorio Lopez, 1910. Pp. 1-6.
Magtatakip silim noon, ng isang araw ng Septiyembre ng taong '97.
Sa loob ng isang hardin, sa bayan ng P ... doon sa lilim ng isang balag na ginagapangan ng masinsing sanga ng Cadena de Amor, ay may dalawang pusong nagpapanayam, mga pusong uhaw na uhaw sa init ng pag-ibig, pag-ibig na tinutugunan ng kapuwa pag-ibig...
Sila'y si Delfin at si Pilar... Ang huli'y tumatangis, lumuluha, at nakasubsub sa balikat ng binata.
Pagkaraan ng ilang saglit sa pagkakatigagal ng dalaga ay pumakli ng boong pamamanglaw:
-- Ay, Delfin ā ang wika -- Ay Delfin, diyata't patutungo ka rin sa bundok, ako'y iiwan sa gitna ng sakit... Babayaan mong bihagin ng mga...?