ang dibdib niyang may sugat, ay pinilit makapagsalita...
--... Pil... ang... i.. gan... ti... mo... a... ko...-- ang pahihingapos ng hiningang sinabi, at pakunwa'y hinigit ang dalawag balikat... itininrik ang mata... at oh, saka nalagot ang kanyang hininga.
Inagaw ng sakim na kamatayan.
Sa gayong kalungkot-lungkot na pangyayari ay lumuluhang napasubsob ang babaye sa balikat ng bangkay, at tumangis na sinabi;
--Delfin!... asahan mong igaganti kita!...
.................................................................
Abad, Antonio. “IX” Chap. 9 in
Bakas ng Himagsikan
. Maynila: Limbagang Magiting ni Honorio Lopez, 1910. P. 26.
Ilang buwan ang nakalipas mula ng mamatay sa labanan si Delfin, at nahulog sa tiwala ang mga kastila, na umano'y ang mga katipunang nagsisihimpil sa Aliaga ay may isang enkantadang namumuno sa paghihimagsik.
Iyao'y si Pilar, ang babaying sintang asawa ni Delfin.
Oh, ang bakas ng himagsikan.