Abad, Antonio. “VIII” Chap. 8 in
Bakas ng Himagsikan
. Maynila: Limbagang Magiting ni Honorio Lopez, 1910. Pp. 24-26.
Dalawang Linggo ang nakaraan at ang mga kawal ng pamahalaan ay di na muling lumabas sa gubat. Sila'y tahimik sa bayan nguni't walang laging pinadadadakip kundi ang mga taong bayan. Ang ganitong kalupitan ay umabot ang balita sa mga taga labas, at dahil dito'y inisip ni Delfin na sila ang lumusob sa bayan.
Gayon nga ang kanilang ginawa. Tinungo ang Aliaga, kinubkob ang buong bayan, at pikit matang sinisid ang mga kaaway na namumugad sa loob ng konbento. Nguni't kay samang palad!... Si Delfin ay linagusan ng punlo sa katawan, siya'y nabulagta, kikiwal-kiwal ang katawang nakatihaya sa gitna ng lansangan.
Ng makita ito ni Pilar, iyang babaing nabihasa sa dagundong ng putukan, ay walang kagulat-gulat na hinawakan ang baril ng giliw na