at tinamaan kapagkaraka ng isang punlo sa noo na siyang ikinabulagta.
Ilang sandali lamang at ang mga kastila'y nakukub; nagapi, at nagsisuko...
Nagtagumpay ang mga taga-labas, nakuha ang bayan ng Aliaga, nabihag na lahat ang mga pinuno at sampu ng kurang nagtatangkang tumakas ay nahuli rin.
Ng gabing iyon ay tinugtog ng mga anak ng bayan ang batingaw sa matayog na kampanaryo, di magkamayaw ang kanilang sigawan, at gayon na lamang ang mga paputukan sa himpapawid...
O... ang kagalakan ng mga katipunan!
1.
Tomas Tagunton. anak sa N. Ecija.
Abad, Antonio. “III” Chap. 3 in
Bakas ng Himagsikan
. Maynila: Limbagang Magiting ni Honorio Lopez, 1910. Pp. 10-14.
Kinabukasan, sa harap ng kumbento sa bayan ng Aliaga, ay nawala ang bandila ng mga dayuhan, at ang nakahalili'y isang malapad na pulang kayo na kinasusulatan ng madidilat na letrang tatlong K. K. K.